Wednesday, November 19, 2008

Bahid

Meron akong nagustuhan na kanta Bahid ang title at ang kumanta ay Salindiwa ipinapakita dito ang kahirapan ng mga pilipino sa mata ng mga banyagan ipinapakita rin dito ang sistema ng ating gobyerno kung papaano magpalakad ang ating gobyerno. . .



Bakit nga ba may bahid lagi. . .



"Buti pa ang mga hayop pumapatay lang pag gutom. . . Ang tao'y pumapatay para sa may pera na may bahid ng dugo"

Bakit ganito ang sistema ng gobyerno sa atin hahayaan ba lang natin na may mga batang namamatay para sa banyagan. . . .

Hahayaan nalang ba natin na may batang namamatay dahil sa gutom o sakuna?

Sa pagkaalam ko pangatlo tayo sa bansa na nagbibigay ng Organ na illegal pumapangalawa an India at una ang China

Sa mga bumibili naman ng illegal na Organ pangatlo ang Britanya pangalawa ang China at una ang Amerika


Sabi ng mga tauhan natin sa Gobyerno gagawan daw nila ng paraan para masugpo ang mga gawain na iyan. . . .


Nasaan na?

Ang pilipinas ay tinawag na "Perlas ng Silangan" dahil ba sa mga magagandang yaman na tinataglay ng ating bansa? Hindi kaya tayo nabansagan ng ganyan dahil sa Prostitusyon, Korapsyon, Child Trafficking, Kidnapping, Judicial Killings. . . .


Kelan kaya matitigil ito?


Alam ko gusto mo rin baguhin ang imahe ng pilipinas sa mga banyaga. . .

Gusto mo rin guminhawa buhay mo. . . .


Lahat tayo gusto magbago. . . .

No comments: